-- Advertisements --
Gas Pumps

Posibleng abutin ng hanggang piso ang painakamataas na pag-angat sa presyo kada litro ng ilang mga produktong petrolyo bukas, Agosto-22.

Batay sa abiso ng Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau, ang gasolina ay maaaring aangat mula P.90 hanggang P1.00 ang kada litro.

Habang ang kerosene ay inaasahang aangat din ng hindi tataas sa piso.

Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon ukol sa diesel ngunit kung may paggalaw man ay posibleng bababa ito mula sampung sentime hanggang 20.

Batay sa datus ng DOE, mula noong enero ng kasalukuyang taon, ang Gasolina ay nakitaan na ng pagtaas sa presyo ng hanggang sa P13.40 kada litro.

P8.60 naman ang ini-angat ng diesel sa kabuuan ng 2023, habang P5.14 ang iniangat sa presyo ng kerosene.