-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok pa rin sa May 11 suggested retail price (SRP) ang presyo ng prime commodities at basic goods na ibinibenta sa mga supermarkets at grocery stores.

Kung kayat hinihikayat ng DTI ang mga consumers na bumili sa mga supermarkets kung saan regulated ng ahensiya ang presyo ng mga bilihin.

Batay sa monitoring ng DTI, majority sa mga basic necessities at prime commodities sa kanilang listahan ay pareho sa mga presyo na nasa SRP subalit mayroong ilan na ang presyo ay mas mababa sa SRP.

Para masuri ang mga presyo ng bilihin, maaaring maidownload ng mga consumers ang e-Presyo application form mula sa dti.gov.ph para makita ang mga stores na nagbebenta ng mga produkto na may mababang presyo.