-- Advertisements --

Tumaas pa ang retail price ng Noche Buena items ilang buwan bago ang Pasko batay sa data na nakalap ng Philippine startup Packworks Sari IQ

Gumagamit ang kompaniya ng data analytic tool na sumusukat sa behavior at spending habits ng mga consumer na namimili sa mga sari-sari stores, bilang ng noticeable changes na nakita sa presyo ng noche buena items base sa kanilang monitoring mula noong Enero hanggang Setyembre.

Kung saan ang presyo ng gatas at cream sa naturang period ay tumaas ng hanggang 11.84%, ito ay P10 hanggang P15 na pagtaas para sa 250 milliliter pack ng all-purpose cream, 300-milliliter pack ng condensed milk, at 370-milliliter pack ng evaporated milk.

Ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng nasabing culinary milk at creams ay madalas na inaangkat ang mga ito mula sa ibang bansa. gayundin ang lumalakas na halaga ng dolyar kontra peso ay nakaapekto sa presyo ng mga bilihin dahil ang mga ito ay impoted.

Ang presyo din ng palm oil, vegetable at canola oil ay tumaas ng hangagng 5.95% at ibinibenta ngayon sa halagang mahigit P80 kada litro.

Nagmahal din ang presyo ng dairy products ng hanggang 5.28% na pumapalo sa P30 ang presyuhan.

Ang presyo naman ng canned goods ay tumaas ng 5.26% gaya ng nata de coco, whole and cream style corn, kaong, pineapple chunks at fruit cocktails ay nagmahal ng P8 hanggang P20.

Tumaas din ng P5 ang presyo ng corned beef, tuna, meatloaf at sardines.

Ang mga palaman naman gaya ng mayonnaise at peanut butter ay nagtaas din ng P40 kada kilo.