-- Advertisements --

Malaki ang posibilidad na magtaas ang presyo ng mga imported na karneng baboy sa Enero 2023.

Ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA) na magtatapos na kasi ang Executive Order 134 noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagbaba ng mga taripa ng mga imported meat products.

Mula kasi ng ipatupad ang nasabing EO noong 2021 ay napababa ang taripa ng 5 hanggang 15 percent mula sa dating 40 percent.

Sumulat na rin ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na siya ring Department of Agriculture Secretary na kung maaari ay palawigin ang nasabing EO.