-- Advertisements --

Mahigpit na minomonitor ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga basic goods at necessities sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity dahil sa impact ng bagyong Paeng.

Ito ay para matiyak na naipapatupad ang price freeze at walang pagtaas sa mga presyo ng nasabing mga bilihin.

Gayundin para maiwasana ng pananamantala sa mga mamimili sa mga grocery stores at iba pang stores.

Nagbabala din ang DTI sa mga profiteers na mananamantala ng pagtatas ng mga presyo sa mga lugar na inilagay sa state of calamity.

Samantala, nagpamahagi rin ang ahensiya ng financial at non-financial assistance para sa mga apektadong negosyo sa lugar.

Maaaring makapag-avail din ang mga ito ng loans sa pamamagitan ng Small Business Corp na nagbibigay ng puhunan para sa mga micro, small at medium enterprises (MSMEs). Maliban pa dito, tiniyak ng DTI ang avaialbility ng suplay ng basic necessities sa mga sinalanta ng bagyo.