-- Advertisements --
Maliban sa presyo ng Gasolina, Diesel, at Kerosene na inaasahang tataas bukas, asahan din ang pag-angat sa presyo ng produktong liquified Petroleum Gas ngayonng linggo.
Batay sa abiso, inaasahang tataas mula P2 hanggang P5 ang kada kilo ng LPG.
Mangangahulugan ito ng pagtaas ng mula P22 hanggang P55 ang kada kilo ng isang tanke ng LPG na may gross weight na 11kgs, na kalimitang ginagamit ng mga households.
Sa kasalukuyan, nabibili ang isang tangke ng LPG na may timbang 11kgs sa presyong P718 to P935.
Kadalasang binabago ng mga oil firm ang presyo ng kanilang mga panindadng LPG sa unang araw ng buwan.