-- Advertisements --
Inaasahang tataas ang presyo ng gasolina at diesel bago matapos ang buwan ng Mayo.
Ang gasolina ay maaaring tataas mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro habang ang diesel ay maaaring tataas ng PO.10.
Maaari namang bababa mula P0.10 hanggang P0.30 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, ang nasabing adjustment ay dala ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Isa rito ay ang pagtaas ng demand sa US oil, lalo na sa nalalapit na Memorial Day sa US.