-- Advertisements --
image 294

Nakitaan ng significant increase o pagtaas ang mga presyo ng bigas at karneng baboy sa ilang pamilihan sa unang bahagi ng Abril base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat ng PSA na ang average retail price ng well-milled rice ay pumalo sa P0.02 hanggang P2 kada kilo sa pitong trading centers mula Abril 1 hanggang Abril 5.

Subalit sa ilang lungsod gaya ng Baguio, Calapan, Batangas at Butuan ay bumaba ang retail prices na naglalaro mula P0.75 hanggang P2.90 kada kilo.

Naitala ang pinakamalaking umento sa presyo na P2 kada kilo sa Digos city habang nakapagtala naman ng malaking bagsak presyo sa Butuan city na naa P2.90 kada kilo.

Tumaas din ang retail prices ng pork ham o kasim sa P10 hanggang P20 kada kilo sa walong trading centers habang sa Kidapawan city, cebu city at Butuan city ay bumaba ang avergae price ng nasabing produkto.

Top