Balik na sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng mga basic necessities kasunod nang pagtatapos ng 60-day price freeze, ayon sa Department of Trade and Industry.
Sinabi ng DTI na hanggang noong Mayo 16, 2020 lamang ang price freeze na sinimulang ipatupad noon pang Marso ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, ang pagtanggal sa price freeze ay hindi makakaapekto sa price at supply monitoring pati na rin sa enforcement activities na isinasagawa ng DTI, DA, at DOH kasama na rin ang kanikanilang mga partner enforcement agencies.
“These shall continue as usual following the directive of President Duterte to go after erring businesses and individuals, and deal with violators to the highest and fullest extent of the law,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga basic goods, sa ilalim ng DTI, na sakop ng price freeze ay mga canned fish at iba pang marine products, locally manufactured instant noodles, bottled water, bread, processed milk, coffee, candles, laundry soap, detergent, and salt.
Samantala, ang mga basic goods na sakop naman ng DA ay bigas, mais, cooking oil, fresh, dried, at iba pang marine products, fresh eggs, fresh pork, beef at poultry meat, fresh milk, fresh vegetables, root crops, sugar, at fresh fruits.
Ang mga basic goods na sa ilalim naman ng DOH ay mga essential drugs, firewood at charcoal para sa DENR, at household LPG at kerosene sa ilalim ng DOE.