Inaasahang maging stable o matatag na ang presyo ng asukal sa bansa pagsapit ng buwan ng Nobiyembre kasabay ng pagdating ng mga inangkat na asukal at pagsisimula ng milling season.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) cting Administrator David Alba, ang retail price ng refined sugar ay mag-stablize sa presyong P70 hanggang P80 kada kilo.
Sa data mula sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) as of September 19, lumalabas a ang prevailing retail price ng refined sugar ay nasa P95 kada kilo habang ang washed sugar at ang brown sugar naman ay ibinibenta sa halagang P75 kada kilo at P72.50 kada kilo.
Nauna ng sinabi ni Alba na ng import program ng gobyerno ay isang paraan para mapunan ang pansamantalang gap dahil inaasahan na makakarating sa merkado ang mga suplay mula sa mga mills kasabay ng pagbabalik ng full operation ng mga refineries sa susunod na buwan.
Nauna na ring inilabas noong nakalipas na linggo ang Sugar Order No2 na nagpapahintulot sa pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng refined sugar na hahatiin para sa industrial at consumer use.
-- Advertisements --