Babawasan ang pressure ng tubig na nagmumula sa faucets sa Metro Manila upang mapangasiwaan ang suplay ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Bagamat hindi naman makakaranas ang mga residente sa rehiyon ng water interruption sa summer season.
Ayon kay MWSS spokesperon Patrick Dizon, ipapatupad ng ahensiya kasama ang water concessionaires kabilang ang Manila Water at Maynilad ang naturang hakbang kahit na pananatilihin ang alokasyon tubig na 50 cubic meters per second para sa domestic use sa susunod na buwan.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi babawasan ang suplay ng tubig tuwing off-peak hours sa pagitan ng 10pm at 4am.
Ipinaliwanag naman ni Dizon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng naturang hakbang matutugunan ang unti-unting pagbaba ng antas ng tubig mula sa Angat dam na nagsusuplay ng 90% na kinakailangang suplay ng tubig sa Metro manila.