-- Advertisements --

Tuluyan nang nagbitiw sa puwesto si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, naghain na ng resignation letter ang kalihim.

Matatandaang kabilang si Angeles sa mga cabinet members na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Hindi rin kabilang ang kalihim sa mga nanumpa para sa reappointment na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang kasama si Angeles sa unang set ng secretaries na inilagay ni Pangulong Marcos.

Marami naman ang nagparating ng tanong kay Angeles ukol sa mga susunod nitong plano, ngunit wala siyang naging tugon sa mga ito.

Samantala, maging si Commission on Audit (COA) Chairman Jose Calida ay nagbitiw na rin sa puwesto.

Hindi rin kasi nakumpirma ng CA si Calida, bago nag-break ang mga mambabatas.

Habang si dating Executive Secretary Victor Rodriguez ay hindi naman napabilang sa mga nanumpang opisyal na nabigyan ng bagong appointment.