Kinilala na ni Kentucky Senator Mitch McConnell ang pagkapanalo ni President-elect Joe Biden bilang bagong pangulo ng Estados Unidos.
Ang hakbang na ito ng Senate Majority Leader ay tila pagbibigay wakas sa ginagawang mga hakbang ng kaniyang kapwa Republicans na baliktarin ang resulta ng eleksyon.
Mayroon din umanong nilulutong partisan spectacle sa US House of Representatives na posibleng maging rason upang maghati-hati ang mga Republican.
Aminado raw si McConnell na karamihan sa kanila ay umaasang si President Donald Trump ang mananalo ngunit may prosesong dapat sundin ang gobyerno ukol sa kung sino ang manunumpa sa Enero 20.
Sa kabila nito, nanawagan naman ang mambabatas sa kaniyang mga ka-alyado na nuwag nang sumali sa mga miyembro ng House na nagbabalak tutulan sa Enero 6 ang naging resulta ng halalan.
Kasabay ito ng nakatakdang pag-ratipika ng Kongreo sa naging desisyon ng Electoral College na pangalanan si Biden bilang presidente ng US.