-- Advertisements --

Iginiit ng tagapagsalita ng Pentagon na naging transparent umano sila sa kampo ni President-elect Joe Biden.

Napaghahalataan daw na sinusubukang harangin ng panig ni US President Donald Trump ang pag-upo bilang pangulo ng ni Biden.

Ayon kay Biden, nakaranas daw ang kaniyang team ng pagharang mula sa political leadership.

Naniniwala rin ito na kritikal ang papel ng ahensya sa seguridad ng Estados Unidos na dumanas ng malaking pagkasira sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Simula sa Enero 20 ay pormal nang manunumpa bilang bagong pangulo ng Amerika si Biden kahit pa patuloy na nagmamatigas si Trump na hindi siya magko-concede.

Matapos kasi ang eleksyon na ginanap noong Nobyembre 3 ay hindi ito nakakatanggap ng key intelligence briefings bilang essential at normal na parte ng presidential transition.

Magugunita na pinapurihan ni Biden ang White House dahil sa pagtulong nito sa transition process subalit biglang nag-iba ang tono nito matapos ang isinagawang briefing nng national security at foreign policy aides.

“Right now, we just aren’t getting all the information that we need from the outgoing administration in key national security areas,” saad ni Biden sa Delaware makaraan ang naging briefing nito kasama ang miyembro ng kaniyang national security team. “It’s nothing short, in my view, of irresponsibility.”