-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Presidential Task Force El Niño sa Bureau of Fire Protection na tiyakin ang fire safety ng lahat ng mga public hospitals at public health facilities sa buong bansa.

Ito ang naging direktiba ni Presidential Task Force chairperson, at Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa BFP sa ginanap na ikaapat na pagpupulong ng kanilang task force.

Ayon sa kalihim, kinakailangan na tiyakin ng BFP ang isang safe environment para sa bawat isa, particular na para sa mga kababayan natin na kinakailangan ng kaukulang Healthcare services, kabilang na ang medical, healthcare service, at iba pang mga related professionals at workers.

Dahil dito ay binigyang-diin din ni Sec. Teodoro ang kahalagahan na mabawasan ang overall risk ng mga insidente, aksidente, at emergencies na may kaugnayan sa sunog sa lahat ng mga pagamutan at public health facilities.

Samantala, bilang tugon naman ay sinabi ni Police Captain Umar Aduca, ang kinatawan ng BFP sa naturang pagpupulong na agad nilang ipapaabot kay DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. ang direktibang ito ni Sec. Teodoro.

Matatandaan na una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa task force El Niño na mas develop pa at paigtingin ang kanilang comprehensive disaster preparedness at rehabilitation plan para sa El Niño at La Nina phenomenon na mararanasan sa bansa upang magbigay naman ng isang systematic, holistic, at results-driven interventions para mga-minimize pa ang malalang epekto nito sa bansa at maging sa taumbayan.