-- Advertisements --

Nagsisimula na ang tatlong araw na presidential election sa Russia kung saan inaasahang muling mananalo ang kasalukuyang presidente na si Vladimir Putin. 

Dahil sa pagpatay, pagpapakulong, at pagpigil sa pagtakbo ng mga oposisyon sa Russia, nakikita na ang landslide na pagkapanalo ni Putin sa kaniyang ikalimang termino. 

Sakaling magkatotoo, pamumunuang muli ni Putin ang naturang bansa hanggang 2030. 

Tatlong kandidato lamang ang inaprubahan ng Central Election Commission ng bansa para makalaban ni Putin at lahat sila ay sang-ayon sa invasion sa Ukraine. 

Hindi kasi pinayagang lumaban ang ibang kandidato na tutol sa giyera laban sa Ukraine dahil umano sa mga pagkakamali sa registration documents. 

Matatandaang namatay sa kulungan ang itinuturing na pinakamahigpit na kalaban ni Putin na si Alexey Navalny.