Tanzania magulfi
-- Advertisements --

Namatay umano dahil sa coronavirus disease ang pangulo ng Tanzania na si John Magufuli sa edad na 61-anyos.

Ayon kay Tanzania Vice President Samia Suluhu Hassan, namatay sa heart complications ang kanilang pangulo sa Dar es Salaam hospital.

Tumagal ng mahigit dalawang linggo na hindi nakikita sa publiko si Magufuli at may kumakalat na balita mula sa oposisyon na nagpositibo ito sa COVID-19.

Hindi naman kinumpirma ng mga kaalyado ni Magufuli na namatay ito dahil sa virus.

Si Magufuli ang isa sa mga prominenteng coronavirus sceptic sa Africa kung saan nananawagan ito ng pagdarasal at herbal-infused steam theraphy upang labanan ang virus.

-- Advertisement --

Kasalukuyang ipinapatupad ngayon sa Tanzania ang “14 days of mourning” at naka-half mast ang kanilang bandila bilang alay sa pagpanaw ng kanilang lider. (with report from Bombo Jane Buna)