-- Advertisements --

Patuloy na papalakasin ng Taiwan ang kanilang depensa para matiyak na hindi yuyuko ang bansa sa China, ayon kay President Tsai Ing-wen.

Giit ito ni President Tsai matapos na sabihin kahapon ni Chinese President Xi Jinping na itutuloy niya ang “peaceful renufication” sa Taiwan.

Sa kanyang talumpati sa National Day rally, sinabi ni Tsai na umaasa siya na huhupa ang tensyon sa Taiwan Strait, at iginiit na hindi naman magwawala ang Taiwan.

Pero dapat malaman din aniya ng lahat na ang Taiwan ay hindi yuyuko sa kung kanino man.

“We will continue to bolster our national defense and demonstrate our determination to defend ourselves in order to ensure that nobody can force Taiwan to take the path China has laid out for us,” giit ni Tsai.

“This is because the path that China has laid out offers neither a free and democratic way of life for Taiwan, nor sovereignty for our 23 million people,” dagdag pa nito.

Magugunitang nag-alok ang China sa Taiwan ng “one country, two systems” model katulad ng ginagawa sa Hong Kong.

Pero ilang partido na sa Taiwan ang tumanggi dito, lalo na ng nangyaring security crackdown ng China sa Hong Kong. (Reuters)