Nakuha ni Chinese President Xi Jinping ang suporta ng Chinese congress para makuha ang makasaysayang ikatlong termino sa kanyang posisyon bilang pinaka-maimpluwensyang pinuno ng bansa.
Sa katatapos lamang na pagtitipon na naganap sa Beijing, inaprubahan na ang reshuffle para sa mga matataas na opisyal.
Agaw pansin rin umano, ang pagkakatanggal ng ilan sa mga opisyal na kalaban ng Pangulo na nakakuha ng atensyon sa mga opisyal nito.
Nakatakda rin namang palitan ang malalapit na kaalyado ni President Xi Jinping na sina Chief Li Qiang at Ding Xuexiang na namununo sa central comittee.
Inubliga naman ang lahat ng miyembro ng partido, na panindigan ang posisyon ni Xi Jinping sa komite ng central partylist sa buong bansa na magbibigay-daan kay Xi Jinping para sa ikatlong termino bilang pangulo ng China.
Ang Central committee na humigit-kumulang 200 matataas na opisyal ng partido ay inihalal rin ilang sandali bago matapos pagtitipon.