Hindi nagpatinag ang bagong Presidente ng Peru na si Dina Boluarte sa protesta ng mga tao at nanatili sa kanyang pwesto bilang pangulo.
Sinabi niyang hindi raw malulutas ng kanyang pagbitiw ang krisis pampulitika na dulot ng impeachment ni dating pangulong Pedro Castillo.
Nag-renew si President Boluarte ng kanyang panawagan sa kongreso na aprubahan ang maagang election, ngunit ito ay na-dismiss.
Samantala, nais ng mga sumusuporta kay Castillo na umalis si Boluarte, magkaroon ng early election at tuluyang maisara ang kongreso.
Usap-usapan ng mga Peruvian politicians at Church leaders ang nasabing panawagan sa maagang election, sa katunayan ay nagkaroon ng tatlong oras na pagpupulong sa Lima.
Matapos ang nasabing pagpupulong ay hinikayat ni Jose Avila, National Board of Justice ang mga Peruvians na iwasan ang karahasan at makipag-ugnayan sa awtoridad para sa mapayapang pag-uusap. (with reports from Bombo Angelica Nuñez)