-- Advertisements --
Negatibo na raw si US President Joe Biden sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong magpositibo sa nakamamatay na sakit ng ilang araw.
Ayon kay Dr. Kevin O’Connor, White House physician sa kabila nito ay mananatili naman daw ang Democratic president sa isolation hanggang sa magnegatibo ito sa ikalawang test.
Kung maalala, nasa isolation na ang 79-anyos na presidente noon pang Hulyo 27 matapos magpositibo sa COVID-19 sa unang pagkakataon noong July 21.
Muli itong nagpositibo noong July 30 na inilarawan ni O’connor na “rebound” case.