antifa
-- Advertisements --

Muling nagbanta si President Donald Trump na idedeklara nito ang “far left extremist group” na Antifa o Anti-Fascist Action bilang isang terrorist organisation dahil sa nagpapatuloy na kilos-protesta sa Estados Unidos.

Sinisisi ng Trump administration ang naturang far-left extremist group matapos ang biglang pagkalat ng bayolenteng demonstrasyon sa iba’t ibang syudad sa bansa kasunod ng brutal na pagpatay sa African American na si George Floyd sa Minneapolis.

Isa lamang ang ANTIFA sa libo-ibong activist movement sa Amerika na nagsama-sama sa loob ng mahabang panahon para salungatin ang mga layunin at gawain ng far right.

Sinasalungat ng Antifa members ang kahit anong hakbang na sa tingin nila ay authoritarian, homophobic, racist o xenophobic.

Hindi naman malinaw kung gaano karaming tao sa Amerika ang kabilang sa nasabing grupo ngunit batay sa mga inilathalang impormasyon ay nananatiling sikreto ang kilusan at wala rin umano itong pinuno.

-- Advertisement --

Gumagamit din umano ang Antifa ng iba’t ibang taktika na pareho sa mga anarchist groups tulad ng pagsusuot ng itim at na damit at masks. Pareho ring idelohiya ang pinaniniwalaan ng dalawang grupo kung saan tutol ang mga ito as kapitalismo at nais din nilang tuluyan nang mawala ang sistema ng police forces.