-- Advertisements --
Pinapabilisan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbili ng mga kagamitan para ma-upgrade ang mga paliparan.
Sa ginawa nitong inspections sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pinapatiyak nito kay Department of Transportation (DOTr) Jaime Bautista na agad na ayusin ang nasabing mga problema sa paliparan.
Binigyan din ito ng halaga ang pag-upgrade sa paliparan para hindi na maulit pa ang nangyaring aberya sa unang araw ng 2023.
Nauna ng humingi ng paumanhin ang pangulo sa mga pasaherong naapektuhan ng nasabing aberya nitong Enero 1.










