-- Advertisements --

Nagpaabot na nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa mga kaanak ng biktima sa naganap na pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Ayon sa social media post ng pangulo, nakakagulat at nakakalungkot ang nangyari sa Ateneo Graduation.

BBM STATEMENT

Nagpaabot na rin ito ng pagdarasal sa mga pamilya at maging ang mga residente ng Quezon City at Basilan.

Tiniyak nito na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabing pamamaril.

Magugunitang pinagbabaril si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay at tatlong iba pa habang dadalo sana graduation ceremony sa Ateneo Law School sa ADMU.

Kabilang din sa nasawi ang aide nito na si Victor Capistrano at security guard ng unibersidad na si Jeneven Bandiala, habang sugatan naman ang anak ng biktima na si Hanna na kabilang sa mga law student na magtatapos.

Una nang kinilala ang suspeka na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38, ng bayan ng Lamitan at lumabas na ang motibo ng kaniyang pamamaril ay personal kung saan kinasuhan siya ng 76 counts ng libel case.

Bukod kay Pangulong Marcos ay nagpaabot na rin ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte-Carpio, Department of Interior and Local Government (DILG) at mga mambabatas sa bansa.