-- Advertisements --
Mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang Omicron subvariant na XBB.1.5.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na inatasan na niya ang Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine na paigtingin ang kampanya para hindi na makapasok ang nasabing variant.
Gaya aniya sa mga naglalabasang mga variant ay patuloy ang kanilang pagbabantay.
Pinapatiyak din nito na mayroong dapat sapat na hospital occupancy sakaling makapasok ang panibagong variant.