-- Advertisements --

Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sina Japan emperor at empress na bumisita sa Pilipinas.

Kasunod ito ng personal na nakaharap ng pangulo sina Emperor Naruhito at Empress Masako sa ikalawang araw na working visit nito sa Japan.

Nagkaroon aniya sila ng pag-uusap kung saan inimbitahan nito ang emperor at empress ng Japan na bumisita sa Pilipinas.

Magugunitang ipinagmalaki ng Presidential Communications Office na mayroon ng ilang bilyong mga investments mula sa malalaking kumpanya sa Japan ang nahikayat ng pangulo sa ilang araw na pagbisita niya doon.