-- Advertisements --
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na paliwigin ng tatlong buwan ang consolidation program.
Ayon sa Presidential Communications Office na ang nasabing extension sa Abril 30, 2024 ay magbibigay ng pagkakataon ang nais na makasali sa consolidation.
Bago nito ay nagpasa ang House Committee on Transportation ng resolution na nananawagan kay Pangulong Marcos na ikonsidera ang pagpapalawig ng Enero 31 deadlines ng mga unconsolidated jeepneys.
Una ng sinabi ni Pangulong Marcos na hindi na magbibigay ng extension ang gobyerno sa consolidation program na bahagi ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.