Wala pa ring nilalabas na opisyal na komunikasyon ang Malacanang kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ginawang pagbibitiw ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.
Matatandaang nagbitiw si Sebastian matapos na matuklasang pumirma ito para sa pangalan ng pangulo, kahit walang pahintulot na aprubahan ang isang kontrata.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz- Angeles, ang tanging nasa kanila pa lamang ay ang liham ng DA official.
Sa resignation letter ay may pag-amin ng pagkakamali ang opisyal, gaya ng ginawang pagko-convene nito sa board at pag-iisyu ng resolusyon.
Samantala, wala pang development ani Angeles sa iba pang opisyal na dawit sa kontrobersiya, partikular sa estado ng kanilang hinahawakang puwesto.
Wala pa rin namang bagong kautusan tungkol sa status ng iba pang subject ng pagsisiyasat, habang umuusad ang imbestigasyon.
Isa rin sa iniimbestigahan sy si SRA Administrator Hermenegildo Serafica.