-- Advertisements --

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga naging bunga ng pagdalo niya World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ito ang naging sentro ng talumpati ng Pangulo sa tradisyunal na vin d’honneur na ginanap sa Malacañang nitong Martes ng gabi.

Sa nasabing okasyon ay nakasalamuha ng pangulo ang mga diplomatic corps kung saan nanguna si Papal Nuncio Charles Brown na ikinonsidera bilang dean ng Diplomatic Corps.

Sa talumpati ng Pangulo ay binigyang halaga nito ang pakikipag-kaibigan ng Pilpinas sa ibang mga bansa para mapalakas ang seguridad, kapayapaan at ang kaunlaran.