-- Advertisements --

Humingi ng pang-unawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga mananakay na maapektuhan habang ginagawa ang South Commuter Railway Project.

Sa kaniyang talumpati sa pirmahan ng kontrata ng South Commuter Railway Project (SCRP) ng North-South Commuter Railway (NSCR) System, na kailangan lamang ng bahagyang pagtiis ng mga maapektuhang pasahero dahil kapag natapos na ay mas magiging maginhawa ang pagbiyahe nila.

Ang nasabing proyekto na target na masimulan sa huling bahagi ng 2023 ay makakapagbigay ng kaginhawaan sa nasa 800,000 na mga pasahero kada araw.

Kasabay din ito ay humingi ang pangulo sa mga ahensiya at local government unit ng tulong para maging mabilis at matagumpay ang nasabing proyekto.

Inaasahan na magiging fully operational na ang nasabing proyekto sa 2029.