-- Advertisements --

Bumuo si Pangulog Ferdinand Marcos Jr ng inter-agency council para sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Lamang ng kaniyang apat na pahinang executive order 35 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hulyo 25 ang pagbuo ng Pasig River Urban Development.

Layon nito na magkaroon ng pagsasaayos ng ilog Pasig at ang pagpapaganda ng pamumuhay ng mga naninirahan sa gilid ng ilog.

Ang nasabing inter-agency council ay pamumunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development habang magiging vice chairman naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair at 13 ibang mga member agencies.

Bukod pa sa Pasig river ay isasama nila ang pag-aayos ng mga riverbank systems na katabi ng Pasig River.