-- Advertisements --

Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos sa pagbati sa mga atleta na kalahok sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China.

Sinabi nito na nagpapatunay ang galing ng Pinoy sa anumang uri ng palakasan.

Nagtapos kasi sa pang-siyam na puwesto ang Pilipinas sa nasabing torneo.

Mayoong 10 gold, apat na silver at limang bronze medals ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.

Sabi pa ng pangulo na mararapat na maipagmalaki ang nasabing magandang achievements ng mga para athletes.