-- Advertisements --
Personal na nakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Cambodian Prime Minister Hun Sen matapos ang pagdalo nito sa ASEAN summit sa Phnom Penh.
Naganap ang pagpupulong ng dalawa sa Peace Palace sa Cambodian capital na siyang host ng 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits mula Nobyembre 10 hanggang 13.
Sinabi ng Office of the Press Secretary na umaasa si Pangulong Marcos na ang ASEAN ay magdadala ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo.
Nagkasundo ang dalawang lider na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa na iikot sa agrikultura, geopolitics, finance at digitalization.
Magugunitang bago nito ay nakipagpulong ang pangulo sa mga business leaders ng Cambodia.