-- Advertisements --
Prioridad pa rin ang mga kapulisan at military na mababakunahan kapag mayroon ng COVID-19 vaccine na nabili ang bansa.
Sa kaniyang national address, sinabi ni Pangulong Rodrig Duterte, na kailangan niya ng malusog na mga kapulisan at sundalo.
Hindi kasi aniya maasahan ang isang sundalo na may dinaramdam na sakit.
Paglilinaw din ng pangulo na kasama ring mauunang mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na Filipino.
Nauna ng sinabi ni vaccine czar at National Task Force COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na mayroong ilang mga private companies na handang mag-donate ng COVID-19 vaccines sa gobyerno.