-- Advertisements --
Kuntento at masaya UMANO si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging resulta ng pagsabak ng atleta ng bansa sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Sa kaniyang talumpati sa ginawang courtesy call ng mga atleta, sinabi ng pangulo na hindi mahalaga ang manalo basta ang maipakita ang magandang imahe ng bansa SA larangan ng palakasan.
Bukod sa pagbibigay ng pagkilala ay iniabot na rin ng Pangulo ang cash incentives ng mga nakakuha ng medalya sa katatapos nA torneo.
Iginawad din ng pangulo sa mga medalist ang Order of Lapu Lapu na may Rank of Kamagi.
Magugunitang nasa pang-apat na puwesto ang Pilipinas sa ranking na ang nanguna ay ang host country na Vietnam, sinusundan ng Thailand at Indonesia.