-- Advertisements --
Duterte facemask Palace

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong pera ang gobyerno para pambili ng bakuna laban sa coronavirus.

Sa kaniyang national address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi niya na lahat ng mamamayan ng bansa ay mabibigyan ng bakuna.

Prayoridad na mabigyan ay ang mga mahihirap at mga kapulisan at militar.

Dagdag pa ng Pangulo, nakahanap na ito ng pera para sa bakuna at hahanap pa ng maraming pera para sa buong 113 milyon na populasyon ng bansa.

Nakausap na niya umano ang ilang opisyal ng Russia at plano nila umanong magtayo ng pagawaan ng COVID-19 vaccine sa bansa.