
Dalawa sa premier stealth fighter aircraft ng United States Air Force (USAF) ang lumapag at bumisita sa Clark Air Base, Pampanga para sa tinatawag na bilateral fighter na “subject matter expert exchange” o SMEE.
Ito ay ang Lockheed Martin F-22 “Raptor” kasama ang Boeing KC-135 “Stratotanker” aircraft ng United State Force.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo na ang bilateral fighter na “subject matter expert exchange”ay bahagi ng mga aktibidad ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) ng Air Force para sa 2023.
Kasama rin dito ang mga pagkakataon sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Air Force sa Pacific Air Forces ng United States Air Force.
Lumahok sa bilateral fighter ang mga piloto ng PAF fighter at iba pang tauhan mula sa 5th Fighter Wing, Air Defense Command.
Sinabi ni Castillo na ang mga bilateral exchange ay nakatuon sa mga kakayahan ng fighter aircraft na pinatatakbo ng dalawang Air Forces bilang panimula sa iba pang paparating na pakikipag-ugnayan upang isulong ang air domain awareness, agile combat employment, interoperability at iba pang bilateral air objectives.










