Bibigyan daw ng Department of Justice (DOJ) ng “preferential attention” ang Pharmally probe findings kapag nabigyan na ang Justice department ng kopya ng kanilang report.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hinihintay na nila sa ngayon ang ipapasang kopya ng report mula sa Senate blue ribbon committee at House Committee on Good Government.
Maging ang Ombudsman ay mabibigyan din ng kopya ng report para sa kanilang isasagawang imbestigasyon sa maanomalyang mga deal na pinasok ng Pharmally at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Ang DoJ ay kasama sa dalawang magkahiwalay na legislative panels na magbibigay ng rekomendasyon kapag natapos na ang kanilang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa multibillion-peso pandemic supply contracts na pinasok ng Pharmally Pharmaceutical Corp.
Ang DoJ ay naatasang magsagawa ng preliminary evaluation para silipin kung kailangan nila ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang NBI daw ang magba-validate sa mga ebidensiyang nakuha mula sa mga mambabatas.
Pangungunahan ng Task Force Against Corruption ng DoJ ang pagdibig at nangakong ipaprayoridad nila ang sinasabing pinakamalaking corruption scandal sa ilalim ng Duterte administration.