NAGA CITY – Ipinag-utos na ni Governor Migz Villafuerte ang preemptive evacuation para sa mga landslide-prone areas sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ito ay may kaugnay pa rin sa epekto ng Bagyong Falcon na nagpapaigting pa sa hanging habagat.

Ang halos apat na araw ng pag-uulan sa lalawigan ang posible na umanong magresulta sa pagguho ng lupa.