-- Advertisements --

Hindi inaalis ng impeachment cleck of court ang posibilidad ng muling pagkakaroon ng pre-trial conference para sa kaso ni VP Sara Duterte.

Ito ay sa kabila ng naunang pagtatapos ng mga serye ng conference nitong Huwebes, June 25, 2026.

Ayon kay Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., posibleng magkaroon muli ng pre-trial conference kung magdedesisyon ang impeachment court na pagbigyan ang manifestation ng prosekusyon na buksan ang BIR box.

Ang panibagong conference ay upang markahan aniya ang mga nilalaman nitong tax record Nina VP Sara Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio para maging bahagi ng ebidensya sa nakatakdang paglilitis.

Sa ngayon, kailangan pa aniyang hintayin kung ipag-uutos ito ng ng korte at kailangang agad tumalima ang clerk.

Sa kabilang banda, wala nang ibang petsang tinitingnan para sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay VP Duterte, maliban sa naunang itinakda na July 6. (report by Bombo Jai)