Tiniyak ng Philippine Red Cross na patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha at pagguhi ng lupa sa malaking bahagi ng Mindanao.
Partikular na rito ang mga lugar sa Northern Mindanao, Soccsargen, Caraga, at Davao Region dahil sa Shearline.
Dahil dito nanawaganan ang Red Cross ng emergency assistance sa publiko.
Layon ng apela na ito na makapag sagip pa ng maraming buhay.
Batay sa datos ng PRC, pumalo na sa higit 6000 na indibidwal ang naabutan nila ng mainit na pagkain.
Aabot naman sa 26,000 na litro ng maiinom na tubig.
Wala pa ring patid ang pagbibigay ng PRC ng ibat-ibang uri ng tulong at serbisyo sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
Nagpakalat na rin ang PRC ng 6×6 na truck na may mandatong tumulong sa mga operasyon sa mga nasabing lugar.
Sa datos ng pamahalaan tinatayang aabot sa higit anim na milyon o katumbas ng mahigit 260k na mga pamilya ang apektado ng sama ng panahon.