Epektibo ngayong araw ng Martes, Hulyo 7 ang panibagong taas presyo ng produktong petrolyo ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa abiso ng DOE, maaaring magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng magkakaibang taas o bawas sa presyo ng produktong petrolyo:
- Gasolina: posibleng mabawasan ng P1.75 o tumaas ng P0.25 kada litro
- Diesel: posibleng tumaas ng P1.57 hanggang P3.57 kada litro
- Kerosene: posibleng tumaas ng P1.70 hanggang P3.70 kada litro
Ito na ang ikalawang sunod na taas-presyo sa gasolina at diesel, at patuloy na nagpapakita ng upward trend sa presyo ng petrolyo sa bansa sa buong taon.
Kasabay nito, inihayag ni Energy Secretary Sharon Garin ang panukalang amyenda sa Oil Deregulation Law.
Kabilang dito ang plano na magtatag ng government fuel reserve na sasapat sa 60 araw na supply, at pagpapalawig ng inventory requirement ng mga oil company mula 15 araw hanggang 30 araw.
Ayon naman sa DOE, nananatiling sapat ang supply ng gasolina at diesel sa bansa, habang mas mataas pa ang imbentaryo ng kerosene at jet fuel.
Sinabi rin ng DOE na bumaba na ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, pero hindi pa ito ganap na nararamdaman sa pump prices sa bansa.
Ipatutupad ang taas presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis mamayang ala-6:00 ng umaga.
















