Matapos ang halos dalawang linggong pag-aantabay, kinumpirma ng Professional Regulation Commission (PRC) na si Erwin Ken A. Parchaso ng Lyceum-Northwestern University ang nanguna sa March 2026 Physicians Licensure Examination.
Una itong inilista bilang “name withheld” habang isinasailalim sa beripikasyon.
Sa naturang pagsusulit, 1,954 sa 2,781 examinees ang pumasa, katumbas ng 70.26% passing rate, na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.
Isinagawa ang exam noong Marso 23, 24, 30, at 31 sa iba’t ibang testing centers sa bansa.
Ayon sa PRC, may ilang resulta na pansamantalang “withheld” upang matiyak ang integridad ng pagsusulit.
Ang pagkilala kay Parchaso bilang Topnotcher ay nagbigay-diin sa reputasyon ng Lyceum-Northwestern University sa larangan ng medisina.
Binati rin ng PRC ang lahat ng pumasa na inaasahang mag-aambag sa pagpapalakas ng healthcare system ng bansa.












