-- Advertisements --

Nilagdaan ngayong araw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Professional Regulation Commission (PRC) ang Memorandum of Agreement para sa pagsasampa ng revocation of license laban sa mga engineer at iba pang propesyonal na sangkot sa maanomalyang proyekto.

Kabilang sa inirerekomenda ng DPWH na tanggalan ng lisensya sina Engr. Henry Alcantara, Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza, Engr. Paul Jayson Duya, at 16 pang propesyonal na nakasama na ring inirekomenda sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa PRC Chairman Charito Zamora , kapag napatunayan at tuluyang na-revoke ang kanilang lisensya, anumang pagpapatuloy ng trabaho bilang engineer ay maituturing na illegal practice at maaaring humarap sa kasong kriminal.