Agad na naglunsad ng emergency fund campaign ang Philippine Red Cross (PRC) upang suportahan ang mga operasyon sa pagtugon matapos ang Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa kanlurang bahagi ng General Santos City ngayong umaga.
Ang malakas na pagyanig ay nagdulot ng tsunami warnings, malawakang evacuation, at matinding abala sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa direktiba ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon, agad na nag-deploy ang mga PRC Chapters ng mga tauhan para magsagawa ng rapid assessments at magbigay ng agarang tulong sa mga komunidad na naapektuhan.
Na-mobilize ang RC143 volunteers, habang nagpadala ng mga ambulansya sa North Cotabato, South Cotabato, at Gingoog City upang tumugon sa mga pangangailangang medikal at masubaybayan ang sitwasyon. Nagbigay rin ng tulong medikal ang PRC responders sa ilang estudyanteng nakaranas ng hyperventilation matapos ang malakas na pagyanig.
Patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri ang Health and Welfare Services teams sa mga ospital at pasilidad pangkalusugan, habang mino-monitor ng mga chapter responders ang mga komunidad na maaaring maapektuhan ng aftershocks, displacement, at posibleng epekto ng tsunami.
Upang matiyak ang kahandaan, naka-standby ang mga emergency assets ng PRC sa Regions XI at XII kabilang ang anim na ambulansya, tatlong food trucks, apat na water tankers, dalawang Volunteer Emergency Response Vehicles (VERVs), isang rescue boat, isang Humvee, at mga cargo vehicles na handang i-deploy anumang oras.
Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang, “Ang aming mga team ay nasa ground na, nagsasagawa ng assessments, nagbibigay ng emergency medical assistance, at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad.
Nanatiling fluid ang sitwasyon lalo na sa tsunami warning at patuloy na aftershocks. Nanawagan kami sa publiko at sa aming mga partners na suportahan ang Philippine Red Cross Emergency Appeal upang agad naming maihatid ang relief, ligtas na tubig, healthcare, at iba pang kritikal na tulong.”
Binigyang-diin naman ni Gordon ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon: “Kapag tumama ang sakuna, ang bilis ng humanitarian response ay maaaring magdala ng malaking kaibahan para sa mga pamilyang apektado. Ang Philippine Red Cross ay nagmo-mobilize ng volunteers, ambulansya, food trucks, at emergency assets upang matiyak na makarating agad ang tulong sa mga komunidad. Nanawagan kami sa publiko, donors, at partners na tulungan kaming mapanatili ang mga pagsisikap na ito at maghanda para sa mga pangangailangan sa mga darating na araw.”
Habang nagpapatuloy ang assessment, naghahanda ang PRC na palawakin ang kanilang operasyon sa emergency medical services, relief distributions, ligtas na tubig, psychosocial support, shelter assistance, at recovery interventions.
Ang mga donasyon sa PRC Emergency Appeal ay makatutulong upang matiyak na ang mga mahihinang pamilya ay makatanggap ng napapanahon at makapagliligtas-buhay na tulong.
Ang Philippine Red Cross ay nananatiling naka-full alert at handang palawakin ang kanilang pagtugon sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, pambansang ahensya, at mga humanitarian partners.
Para sa mga nais mag-donate sa Emergency Fund Campaign:
Metrobank
Peso Account No.: 151-3-04163122-8
Dollar Account No.: 151-2-15100218-2
Philippine National Bank (PNB)
Peso Account No.: 1607-1020-0331
Dollar Account No.: 1607-6020-0347
Banco de Oro (BDO)
Peso Account No.: 0045-3019-0938
Dollar Account No.: 1045-3003-9482
















