Kumukuha ng mga samples ang Philippine Red Cross (PRC) mula sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) na galing sa mga bansa na apektado na ng bagong variant ng COVID-19, bilang bahagi na rin ng mga hakbang para maiwasan ang pakakapasok ng mutation na ito sa bansa.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, inatasan na ng pamahalaan ang PRC para i-screen sa COVID-19 ang mga umuuwing OFWS.
Ang samples mula sa swab tests na kinuha mula sa mga OFWs mula sa 21 bansa kung saan kalat na ang bagong strain ng COVID-19 ay ipapadala sa Philippine Genome Center sa University of the Philippines upang ito ay mapag-aralan.
Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na hindi pa nasama ang pagkakaroon ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa sa kanila namang mga kinonsidera sa revised economic growth assumptions para sa taong 2021 hanggang 2022 na ginawa nila noong Disyembre.
Sinabi ni CHia na ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay umaasa na ang gross domestic product growth ng bansa ay babangon at papalo sa 6.5 percent hanggang 7.5 percent ngayong 2021 at 8 hanggang 10 percent naman sa 2022 base sa low base ngayong taon.