-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mayroon sapat na tustos ng dugo ang nakaimbak ngayon sa blood Bank ng Phil. Red Cross o PRC Isabela Chapter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Administrator Josephine Stephanie Cabrera ng PRC Isabela Chapter na mula noong katapusan ng Pebrero na bumaba ang alert level ng lalawigan ay nakapagsagawa sila ng Blood Letting activity at dumami ang mga blood donor.

Sa kasalukuyan ay mayroong storage na mahigit dalawang daang bags ng dugo ang naka-imbak ngayon sa blood bank ng PRC Isabela.

Ayon pa kay Administrator Cabrera, araw araw na mayroong nangangailangan ng dugo tulad ng mga nasasalinan na sumasailalim sa dialysis, nanganganak at naooperahan.

Nagpapadala rin anya sila ng dugo sa ibang lalawigan tulad ng Ifugao.

maging sa La-Union at Vigan noong panahon ng pandemya ay nakapagpadala rin ang PRC Isabela blood bank.

Noong unang linggo ng Pebrero ay mataas ang demand ng Type O at type A ngunit noong katapusan ng Pebrero ay mataas ang demand ng type B.