Nagsagawa ng agarang tulong ang Philippine Red Cross sa gitna ng nagpapatuloy na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa People Power Monument, Quezon City.
Ayon sa ulat ng PRC alas-3:50 ng hapon, nakapagtala sila ng tatlong indibidwal na naserbisyuhan dahil sa nahilo, nasugatan at iba pa.
Bukod dito, 26 pasyente ang sumailalim sa blood pressure monitoring.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo, nag-deploy ang PRC ng dalawang ambulance units, isang first aid station, isang welfare desk, at isang medical tent.
May kabuuang 23 volunteers ang nakatalaga sa People Power Monument at sa Corinthian Garden Gate 3 sa EDSA.
Patuloy na nakahanda ang PRC na magbigay ng serbisyong medikal at pangkalinga sa mga dumadalo sa malakihang pagtitipon, bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang kalusugan at kapakanan ng publiko.















