Nanindigan ang Philippine Red Cross na “faithfully” accounted for ang lahat ng donasyon ng pamahalaan para sa kanila.
Sinabi ito ng PRC kasuod na rin ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihihinto ang lahat ng government transactions sa naturang humanitarian organization sa oras hindi nito ilabas ang kanilang financial records.
“As previously stated by the Philippine Red Cross, the humanitarian organization is the recipient of some donations from agencies of the Philippine government,” giit ng PRC sa isant statement.
“The Philippine Red Cross has faithfully accounted for the use of such funds in compliance with the donor agencies’ liquidation and reportorial requirements,” dagdag pa nila.
Nauna nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na mayroong hurisdiksyon ang Commission on Audit sa pagsasagawa ng “special audit” sa PRC, na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordron.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10072 o ang Philippine Red Cross Act of 2009, inaatasan ang PRC na tuwing katapusan ng taon ay magsusumite ng annual report sa pangulo ng Pilipinas na naglalaman ng kanilang mga aktibidad at financial condition.