-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hindi na rin matutuloy ang PRC Examination sa Kidapawan City ngayong araw na linggo.

Handa na sana ang lahat na mga testing center sa lungsod ng Kidapawan sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa banta ng COVID-19.

Ang pagpaliban sa pagsusulit ay bilang pagtalima ng komisyon base sa proklamasyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang deklarasyon ng State of public Health Emergency.

Kabilang na dito ang Civil Service Examinations na nakatakdang gagawin sana ngayong linggo (March 15, 2020)

Ito ang kinumpirma ni CSC North Cotabato Provincial Director Josefina Buenbrazo.

Sa buong rehiyon 12 ay mayroong tatlong testing center para sa CS exam ito ay sa Kidapawan City, Koronadal City at General Santos City na nasa 11,093 ang kukuha sana ng pagsusulit.

Samantala sa Kidapawan City lamang 3,000 examinees ang nagfile na isasagawa sana sa Notredame of Kidapawan College, Kidapawan Pilot Central School at Kidapawan National High School.

Kanselado din ang isasagawa sanang Qualifying Assessment for Foreign Medical Proffesionals, Physician Exam, Medical Technologist, Licensure Examination for Teachers, Licensure Examination for Electronic Engineers and Electronics Technicians, Exam for Midwives, Licensure Examination for Registered Electrical and Master Electricians at Licensure Examination for Pharmacist. Wala namang inihayag na eksaktong petsa kung kailan isasagawa ang mga naantalang exam.